Let's Explore Mimbalot Falls ng Iligan City! Tara! |
Ang Iligan ay isa sa mga umuusbong na sentro ng lunsod sa bansa. Ang lungsod ay itinuturing na kabilang sa mga nabuong lugar sa Northern Mindanao. Kilala ang Iligan City bilang "City of Majestic Waterfalls" dahil sa iba't-ibang anyong tubig na iyong mapaglilibangan. Ang isang paglalakbay sa Iligan City ay hindi kumpleto nang walang paghinto sa alinman sa mga waterfalls nito. Ipinagmamalaki ng mga Iliganon ang 23 na mga waterfalls na matatagpuan sa mga hangganan ng lungsod habang umaakit ito ng libu-libong turista bawat taon. Kung hindi ka pa nakakapunta sa lungsod ng Iligan City, aba pumunta kana, sigurado akong hindi ka mababagot at hindi mo makakalimutan ang iyong pagdayo sa lugar ng Iligan City.
|

Isa sa mga ipinagmamalaki nito ay ang Mimbalot Falls kung saan matatagpuan sa Brgy. Buru-un, Iligan City, Mindanao 9200, Philippines. Noong nakaraang tag-init dumayo kami dito kasama ang aking mga tita's. Nakarating kami doon ng tanghali sakay ang sasakyan ng isa sa mga guro na kaibigan namin.
Iba't-iba ang maaari mong gawin at puntahan. Nang makarating kami ay naghanap kami ng pwesto kung saan kitang-kita namin ang waterfalls dahil pinili namin ay iyong nasa tuktok. Pati talsik ng tubig ay abot niya ang aming puwesto at dahil doon lamig na lamig kami buong araw. Halos lahat ng tao doon ay di nawawalan ng cellphone kahit san mapunta sa bahagi ng lugar. Nagseselfie kasama ang barkada, kasintahan at pamilya.
![]() |
Sa bawat agos ng tubig, WOW ang kanilang bukambibig at kislap ng kanilang mga mata ang aking nakikita. Rinig na rinig ko namin ang bawat flash ng kanilang camera at cellphone, na ginagamit nilang pang selfie sa tabi nito. Ang iba pa nga ay nakalagay ang cellphone sa isang plastik na lalagyan para hindi ito mabasa. Dahil nasa tuktok kami sa parte ng lugar na iyon ay di na namin kailangang umakyat pa. Gamit lang namin ay monopod upang makakuha ng magandang litrato. Dahil nasa tuktok kami ramdam namin ang talsik ng waterfalls sa aming cottage. Ang bawat isa ay naguunahan sa pag-akyat tungo sa umaagos na tubig. May mga pool din na iyong makikita at makakantahan.

Iba't-ibang kaaaliwan ang maaari mong puntahan. Pero bago mo ito marating lalakad ka muna ng pagkataas-taas na hagdanan. Mararaanan mo ang iba't-ibang uri ng halaman at mga puno. Pag ikaw ay nakarating na unang bubulagta sa iyo ang hanging bridge nila na pagkataas taas.
Bago namin ito sinubukan, pinatingnan muna namin kung okay na at pwede ng lakaran upang masigurado namin ang kaligtasan namin. Sasabihin nila kung maaari na ba at hindi. Kung umuulan ay hindi sila bibigay ng permiso dahil baka mapaano kami sa itaas. Pero hindi kami nagpatinag ito'y aming sinubukan sayang iyong entrance fee namin kung hindi namin ito susubukan. Pero hindi ito kasali sa entrance fee, kailangan mo munang magbayad para ikaw ay kanilang payagan. Marami kaming naglakad upang kung may pagkakataon na may mawalan ng malay may tutulong at dadamay. Naaliw naman kami sa paglalakad, huwag kalang titingin sa ibaba kung mahina ang iyong kalooban baka mawalan ka ng puso haha.
Pangalawang aming sinubukan ay ang zipline, ngunit naghintay pa kami ng ilang oras dahil break time pa nung mga bantay sa bangko na uupo kalang kasama ang barkada. Hindi namin ito sinubukan dahil nakakakaba keysa doon sa isang zipline na itinatali ang iyong katawan. Pwedeng dalawahan at isahan lang. Pero mas pinili namin ang dalawahan kasi mas masaya kung may kasama kang nag-iingay at nagsisigaw. Pero noong kami na ang sasakay ay biglang umulan. Nauna kasing sumubok ang aking tita kasama ang asawa niya. Sa kasamaang palad ay hindi kami pinayagan ng mga taong bantay doon sa zipline dahil sa dahilang umuulan at mapano kami. Sinusihuro nila ang aming kaligtasan. Pero kahit hindi kami nakasakay, nalibang naman ang aming ibang kasamahan. Pag ito'y umandar na tas makakarating sa dulo, doon naman sila itutulak sa kabilang sakayan. Dalawahan lang ang pag ukit nito sa tali. Kaya ito naman ay sulit na sulit.

Ang ginawa nalang nila ay ang magtampisaw sa ilalim o pinaka ibaba ng falls,kahit na ito'y sobrang lamig para kang itinutuluka nito sa lakas ng agos at Alon.Buong maghapon ay nagtampisaw sabik na sabik na maligo at magliwaliw.
Sa linaw ng tubig,hindi ko mapapagalaw parang feel na feel mong isa kang model na kumukuha pa ng litrato.May iba pang inaakyat ang daanan na falls dahil sa ganda nito. Na Tila ba nagsasabing lagi ang yaman naman natin. Masarap sa damdamin o mapakinggan dahil sa pag aalaga ng mga pinoy ito'y napapanatiling maganda sa ating pangingin. May ibang nauubusan pa ng cottage o mauupon.Subalit hindi sila nagpatinag sa bato-bato sila umupo malapit sa falls, Matanaw lang ito at masaksihan. Nakakawalang problema ang bawat dalo'y g hang in kasama ang mga halaman. Ang nakikita sa mga mukha nila'y kasiyahan at kagalahan dahil sa iba't ibang tanawin .
Maraming iliganon ang nanatili sa kanilang lugar dahil napamahal nadin sila dito. Dahil sa iba't ibang magagandang tanawin sa lungsod na ito. Naipagmamalaki sa ibang lugar at nakakabighani ang mga ito.
Malaki ang naitutulong nito sa ating bansang Pilipinas, maraming turista at ito'y nagpapaganda sa ting kalikasan. Mananatiling sariwa ang ating kapaligiran.
Malaki ang naitutulong nito sa ating bansang Pilipinas, maraming turista at ito'y nagpapaganda sa ting kalikasan. Mananatiling sariwa ang ating kapaligiran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento